Turismo ng Tsina sa May Day Holiday, napakasigla

2024-05-07 16:13:43  CMG
Share with:

Sa katatapos na May Day Holiday ngayong taon mula Mayo 1 hanggang Mayo 5, napakasigla ng turismo ng Tsina.

 

Ayon sa datos ng unang araw ng bakasyon, umabot sa mahigit 300 milyon ang cross-regional trips na lumaki ng 16% kumpara sa nakaraang taon.

 

Habang lumampas naman sa 20 milyon ang mga pampasaherong biyahe ng tren ng araw ring iyon, na lumikha ng bagong rekord.

 

Bukod dito, mayabong din ang inbound at outbound ng merkadong turismo.

 

Dahil sa isinasagawang visa-free policies ng Tsina sa maraming mga bansa, umabot sa halos 8.5 milyon ang inbound at outbound trips noong May Day Holiday, na lumaki ng 35.1% kumpara sa gayunding panahon ng 2023.

 


Salin: Kulas

Pulido: Ramil