Mga unang ginang ng Tsina at Pransya, bumisita sa Orsay Museum

2024-05-07 11:50:29  CMG
Share with:


Sa paanyaya, bumisita Lunes, Mayo 6, 2024 sa Orsay Museum si Peng Liyuan, asawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama si Brigitte Macron, asawa ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya.

 


Inihayag ng unang ginang ng Tsina na kapuwa mahilig sa sining ng pagpipinta ang mga mamamayan ng Tsina at Pransya.

 

Umaasa aniya siyang isasagawa ng kapuwa panig ang mas maraming pagpapalitan, para mas mainam na maramdaman ng mga mamamayan ng dalawang bansa ang panghalina ng kultura ng isa’t isa, at palalimin ang kanilang pag-uunawaan.

 

Umaasa rin siyang palalakasin ng mga artistang Tsino’t Pranses ang pagpapalitan at mutuwal na pagkatuto, at lilikhain ang mas maraming maselang likhang-sining.

 


Sa bulwagan ng museo, nakipagpalitan ang mga unang ginang sa mga estudyanteng Pranses na bumibisita at nag-aaral sa museo.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil