Visa-free policies ng Tsina, kapaki-pakinabang para sa mga dayuhang exhibitor sa Canton Fair

2024-05-07 17:04:38  CMG
Share with:


Noong Nobyembre ng nakaraang taon, inanunsyo ng Tsina ang visa-free policies para sa karagdagang anim na bansa, kabilang ang Malaysia.

 

Ang naturang patakaran ay espesyal na kapaki-pakinabang para sa mga sektor tulad ng pagkain, na may mahigpit na pamantayan para sa best-before dates.

 

Ayon sa mga Malaysian exhibitor, dahil sa visa-free policies, mas madalas silang naglalakbay sa Tsina.

 

Ngayong taon, ang bilang ng mga Malaysian exhibitor sa Canton Fair ay lumikha ng bagong record, na may mahigit 70 kalahok.

 

Sinabi nilang ang trade event ay nagbigay ng isang mahusay na plataporma para palawakin ang negosyo nila sa Tsina.

 

Ayon sa Guangzhou General Station of Exit and Entry Frontier, sa panahon ng Canton Fair, mga 40,000 katao ang dumaraan sa Guangzhou Baiyun Airport araw-araw, at mahigit 40% sa kanila ang pumasok nang visa-free. (AI-generated Video)

 

 

Salin/Video: Kulas

Pulido: Ramil