CMG Komentaryo: Hinaharap ng relasyong Sino-Pranses, maganda

2024-05-08 13:52:07  CMG
Share with:

Sa katatapos na dalaw pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pransya, nilagdaan ng dalawang bansa ang mga dokumento ng kooperasyon sa mga larangang gaya ng berdeng pag-unlad, abiyasyon, produktong agrikultural, komersyo, at kultura.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya na malubhang hamon ang kinakaharap ng buong daigdig, kaya kailangang palakasin ng Pransya at Unyong Europeo (EU) ang pakikipagkooperasyon sa Tsina.

 

Ang Tsina at Pransya ay may espesyal na pagkakaibigan.

 

Sapul nang maitayo ang ugnayang Sino-Pranses, 60 taon na ang nakakaraan, ipinamalas nito sa mundo, na maaaring magkaroon ng mapayapang pakikipamuhayan at kooperasyong may win-win na situwasyon ang dalawang bansa kahit sila ay may magkaibang sistemang panlipunan.

 

Sa pamamagitan ng pagdalaw ni Pangulong Xi sa Pransya, isinusulong ngayon ng dalawang panig ang paglagom sa mga karanasan sa relasyong diplomatiko at pagbalangkas ng bagong plano ng kooperasyon sa hinaharap.

 

Ipinahayag din ng dalawang bansa, na malaking bagay sa kooperasyon ng Tsina at EU, at pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng buong daigdig ang pagpapasulong ng relasyong Sino-Pranses.

 

Hinggil naman sa kooperasyon ng Tsina at Pransya sa hinaharap, ang pagtutulungan sa kabuhayan at kalakalan ay mahalagang puwersa.

 

Kaugnay nito, ipinahayag ni Xi, na nakahandang mag-angkat ng mas maraming produktong Pranses ang Tsina, at umaasa siyang mas maraming korporasyon ng Pransya ang maglalagak ng negosyo at magluluwas ng mas maraming produktong hay-tek at high added-value sa Tsina.

 

Ipinahayag naman ni Macron na hindi magpapatupad ng di-patas na patakaran ang Pransya sa mga bahay-kalakal ng Tsina, at umaasa siyang mas maraming kompanyang Tsino ang magnenegosyo sa bansa.

 

Ang nabanggit na pahayag ng dalawang pangulo ay mahalaga para sa pagpapasulong ng kooperasyong Sino-Europeo, at konstruksyon ng bukas na kabuhayang pandaigdig.

 

Maliban diyan, inilabas ng dalawang bansa ang mga hakbangin sa pagpapalakas ng pagpapalitan sa kultura at tao-sa-tao.

 

Masasabing maganda ang kinabukasan ng relasyong Sino-Pranses, at ito ay makakabuti, hindi lamang para sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan, kundi magpapasulong din ng kooperasyong Sino-Europeo, at mapayapang pag-unlad ng buong daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio