CMG Komentaryo: Tamang pagpili ng Pilipinas ay pagbabalik sa diyalogo at talastasan

2024-04-29 17:48:32  CMG
Share with:

Ipinahayag, Abril 27, 2024, ni Kalihim Pandepensa Gilberto Teodoro Jr.  na sapul nang manungkulan ang kasalukuyang pamahalaan ng Pilipinas noong 2022, hindi nagkaroon ng anumang kasunduan hinggil sa sigalot sa South China Sea ang Pilipinas at Tsina.

 

Muli rin niyang itinanggi na nagkaroon ng “maginoong kasunduan” ang dalawang bansa hinggil sa isyu ng Ren’ai Jiao.

 

Ayon sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), dapat manatiling “walang tao at walang pasilidad” sa mga “islang hindi tirahan” sa South China Sea.

 

Pero, ilegal na isinadsad noong Mayo 9, 1999, ang pandigmaang bapor ng Pilipinas sa Ren’ai Jiao.

 

Pagkatapos ilahad ng Tsina ang solemnang representasyon, maraming beses na pinangako ng Pilipinas na aalisin ang bapor, pero, 25 taon na ang nakaraan, hindi pa rin natatanggal ang nasabing bapor.

 

Sa kasalukuyan, tinuturing ng Amerika ang Tsina bilang “pinakamalaking estratehikong kakompetisyon,” at tintangka ng Pilipinas na permanenteng sakupin ang Ren’ai Jiao sa paggamit ng puwersa ng Amerika.

 

Pero, ang bunga ng pagtanggi sa “maginoong kasunduan” ay maitatala sa kasaysayan na pinakamalaking kasalanan ng Pilipinas.

 

Ang tamang pagpili para sa Pilipinas ay pagbabalik sa diyalogo at talastasan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio