CMG Komentaryo: Bakit kinakailangan ng daigdig ang kapasidad ng berdeng produksyon ng Tsina?

2024-04-26 15:55:51  CMG
Share with:

Pinapalaki ngayon ng ilang Amerikano ang umano’y “overcapacity” ng Tsina at negatibong epekto nito sa merkadong pandaigdig.

 

Ano ang kahulugan ng kapasidad ng berdeng produksyon ng Tsina para sa daigdig? Naging pinakamagandang sagot dito ang katotohanan.

 

Ang pag-unlad ng kabuhayan ay para sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan. Ang mga produkto ng bagong enerhiya ay nakakatugon sa pangangailangan ng konsumo sa merkado, pero nananatiling mahal ang gastos nito.

 

Sa pamamagitan ng inobasyon sa teknolohiya at kumpletong kadena ng industriya, ipinagkakaloob ng Tsina ang abot-kayang solusyon, at pinapasulong ang pagpapalaganap ng mga produkto ng bagong enerhiya.

 

Bukod pa riyan, pinapatingkad ng kapasidad ng produksyon ng bagong enerhiya ng Tsina ang makabagong lakas-panulak para sa pag-unlad ng iba’t ibang bansa.

 

Sa kasalukuyan, puspusang pinapasulong ng mga bansa ang pag-a-upgrade ng industriya ng manupaktura at berde’t mababang karbong transpormasyon, at may pangkagipitang pangangailangan sila sa kaukulang pasilidad at piyesa para sa paggagalugad at paggamit ng bagong enerhiya.

 


Bilang pinakamalaking merkado ng renewable energy at bansang nagmamanupaktura ng pasilidad sa daigdig, mahalagang papel ang ginagampanan ng Tsina.

 

Sa kasalukuyan, 50% wind power facility at 80% photovoltaic facility sa buong mundo ang isinusuplay ng Tsina.

 

Mula noong 2012 hanggang 2021, lumaki ng 146.3% ang kabuuang halaga ng berdeng kalakalan ng Tsina, bagay na nakapagpatingkad ng berdeng lakas-panulak sa paglago ng kabuhayang pandaigdig.

 

Sa proseso ng transpormasyon ng enerhiya, masusing masusi ang mga breakthrough sa teknolohiya.

 

Salamat sa inobasyon at praktika, ipinagkaloob ng mga kompanyang Tsino ang maraming mapanlikhang solusyon, at pinasulong ang progreso ng teknolohiya at pag-a-upgrade ng industriya ng daigdig.

 

Higit sa lahat, napakalaki ng ibinigay ng ambag ng kapasidad ng berdeng produksyon ng Tsina sa pagharap sa pandaigdigang hamon ng pagbabago ng klima.

 

Bilang pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, nangako ang Tsina na isakatuparan ang target ng neutralidad sa karbon o carbon neutrality mula sa peak value ng pagbuga ng karbon sa pinakamaikling panahon sa kasaysayan.

 

Samantala, tinutulungan nito ang ibang bansa na pataasin ang kakayahan sa pagharap sa pagbabago ng klima, sa pamamagitan ng suportang teknikal, tulong na pondo at iba pang paraan.

 

Sa harap ng katotohanan, napakahina ng umano’y “overcapacity” na ikinakalat ng Amerika at mga bansang kanluranin.

 

Ang pagsasagawa ng proteksyonismo sa ngalan ng umanong “overcapacity” ay hahadlang lamang sa proseso ng transpormasyon ng enerhiya ng buong mundo.

 

Ang malubhang kakulangan sa kapasidad ng berdeng produksyon ay tunay na problemang kinakaharap ng daigdig, at ang ipinoprodyus ng Tsina ay pangkagipitang kinakailangan ng daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil