Belgrade, Serbiya - Sa pakikipagtagpo, Mayo 8, 2024 (lokal na oras) sa mga mamamahayag nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbiya, inanunsyo ni Xi ang anim na hakbangin para suportahan ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang bansa.
Kabilang sa mga ito ay:
Una, sa ilalim ng magkasamang pagpupunyagi ng Tsina at Serbiya, ang kasunduan ng malayang kalakalan ng dalawang bansa ay magkakabisa sa Hulyo 1, 2024.
Ikalawa, sinusuportahan ng Tsina ang Serbiya sa pagdaraos ng Expo 2027. Ipapadala rin ng Tsina ang isang delegasyon, at hihikayatin ang mga bahay-kalakal ng bansa na sumali sa kontruksyon ng mga may kinalamang proyekto.
Ikatlo, nakahandang mag-angkat ng mas maraming kuwalipikado at katangi-tanging produktong agrikultural ng Serbiya ang Tsina.
Ikaapat, tutulungan ng panig Tsino ang 50 batang siyentistang Serbiyano sa programa ng pagpapalitan sa Tsina sa susunod na tatlong taon.
Ikalima, 300 kabataang Serbiyano sa kabuuan ang aanyayahang mag-aral sa Tsina sa susunod na tatlong taon.
Ikaanim, winewelkam ng Tsina ang pagdaragdag ng mga direktang flight sa pagitan ng Belgrade at Shanghai, at hinihikayat ang mga airline ng dalawang panig na ilunsad ang direktang flight sa pagitan ng Belgrade at Guangzhou.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio
Pangulo ng Tsina at Serbiya, magkasamang nakipagkita sa mga mamamahayag
Tsina at Serbiya, palalimin at paunlarin ang komprehensibong estratehikong partnership
Aktibidad ng pagpapalitang tao-sa-tao ng Tsina at Serbiya, ginanap sa Belgrade
Eroplano ng Pangulong Tsino, inantabayanan ng mga fighter jet ng Serbiya
"Mga Klasikong Sipi ni Xi Jinping," isinahimpapawid sa Serbiya