Matapos ang kanilang pag-uusap, nakipagtagpo, Martes ng tanghali, Mayo 8, 2024 (lokal na oras) sa Belgrade, Serbiya sa mga mamamahayag sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbiya.
Ipinahayag ni Xi, na ang pagkakaibigan ng Tsina at Serbiya ay nabuo dahil sa dakilang pagpupunyagi upang magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Ang pagtatatag aniya ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Serbiya sa makabagong panahon ay estratehikong pagpili ng kapuwa panig.
Layon nitong isakatuparan ang hangarin ng mga mamamayan ng dalawang bansa sa magandang buhay, at ang pundasyon at motibasyon nito ay matatag na suporta at malawak na pakikilahok ng mga mamamayan ng dalawang bansa, dagdag niya.
Nakahanda aniya ang Tsina na makipagkapit-bisig sa Serbiya, para simulan ang bagong paglalakbay sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang bansa sa makabagong panahon, at ibayo pang pasulungin ang relasyong Sino-Serbiyano.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio
Pangulo ng Tsina at Serbiya, magkasamang nakipagkita sa mga mamamahayag
Tsina at Serbiya, palalimin at paunlarin ang komprehensibong estratehikong partnership
Aktibidad ng pagpapalitang tao-sa-tao ng Tsina at Serbiya, ginanap sa Belgrade
Eroplano ng Pangulong Tsino, inantabayanan ng mga fighter jet ng Serbiya
"Mga Klasikong Sipi ni Xi Jinping," isinahimpapawid sa Serbiya