Aktibidad ng pagpapalitang kultural ng Tsina at Hungary, idinaos sa Budapest

2024-05-09 08:34:46  CMG
Share with:

 

Sa okasyon ng dalaw pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Hungary, idinaos Mayo 8, lokal na oras, sa Budapest, ang aktibidad ng pagpapalitang kultural bilang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Ito ay nasa ilalim ng magkasamang pagtataguyod ng China Media Group (CMG) at Media Service Support and Asset Management Fund (MTVA) ng Hungary.

 

Lumahok dito sina dating Pangulong Pal Schmitt ng Hungary, Presidente Shen Haixiong ng CMG, Punong Ehekutibo Daniel Papp ng MTVA, at iba pang mga personahe ng dalawang bansa.

 

Binalik-tanaw sa aktibidad ang mga pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa sa aspektong kultural, lalung-lalo na sa sektor ng media.

 

Ipinatalastas din dito ang pagsasahimpapawid ng mga programa ng CMG sa Hungary, magkakasamang paggawa ng mga dokumentaryo ng CMG at mga media outlet ng Hungary, kooperasyon sa pagitan ng CMG at Liszt Ferenc Academy of Music, at ibang mga proyektong pangkooperasyon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan