“Mga Klasikong Sipi ni Xi Jinping,” sinimulang i-ere sa Hungary

2024-05-09 08:33:36  CMG
Share with:

 

Sa okasyon ng dalaw pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Hungary, idinaos ng China Media Group (CMG), Mayo 8, lokal na oras, sa Budapest, ang seremonya ng paglulunsad ng programang tinaguriang “Mga Klasikong Sipi ni Xi Jinping.”

 

Sa seremonya, magkasamang ipinatalastas nina Shen Haixiong, Presidente ng CMG, at Daniel Papp, Punong Ehekutibo ng Media Service Support and Asset Management Fund ng Hungary, ang pagsisimula ng pag-eere ng naturang programa sa Hungarian Television at iba pang mga pangunahing media ng bansa.

 

Ipinahayag naman nina dating Pangulong Pal Schmitt at dating Punong Ministro Peter Medgyessy ng Hungary ang pagbati sa naturang pagsasahimpapawid.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan