Saraorci Photovoltaic Power Plant, isasaoperasyon; pagkakaibigang Sino-Serbiyano, napapatibay

2024-05-09 17:18:58  CMG
Share with:


Sa pagtatapos ng Mayo, tatanggapin ng Serbiya ang kapana-panabik na balita sa larangan ng malinis na enerhiya.

 

Ang Saraorci Photovoltaic Power Plant, na kasalukuyang isa sa mga pinakamalaking photovoltaic power plant sa Serbiya, ay ikakabit sa electrical grid, na magpapasimula komersyal na operasyon nito.

 

Ang konstruksyon ng proyektong ito ay hindi lamang lumikha ng makabuluhang bilang ng oportunidad sa trabaho para sa mga nakapaligid na komunidad, kundi nagbigay rin ng potensyal upang magdulot ng positibong epekto sa kapaligiran ng bansa.

 

Sa pamamagitan ng taunang suplay ng mahigit 16 milyong kilowatt-hours na berdeng kuryente, ang proyektong ito ay mag-aambag ng napakalaking pagbawas ng humigit-kumulang 16,000 toneladang carbon dioxide emission kada taon.

 

Nitong nakaraang mga taon, nakamtan ng Tsina ang kapansin-pansing pag-unlad sa larangan ng bagong enerhiya, at nangunguna ang bansa sa installed capacity ng wind at solar energy.

 

Samantala, lalo ring binibigyang-pansin ng Serbiya ang pagpapaunlad ng mga pinagkukunan ng bagong enerhiya.

 

Ang proyektong ito ay may potensyal na maging isang mahalagang milestone, para ibayo pang mapatibay ang matagal nang pagkakaibigan sa pagitan ng Tsina at Serbiya. (AI-generated Video)

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio