Mensaheng pambati, ipinadala ng premyer Tsino sa muling panunungkulan ni Mishustin bilang punong ministro ng Rusya

2024-05-13 11:49:23  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala Linggo, Mayo 12, 2024 ni Premyer Li Qiang ng Tsina sa kanyang Russian counterpart na si Mikhail Mishustin, bilang pagbati sa kanyang muling panunungkulan bilang punong ministro ng Rusya.

 

Ani Li, sa ilalim ng estratehikong patnubay nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, nananatiling malusog at matatag ang pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko’t kooperatibong partnership ng dalawang bansa sa makabagong panahon.

 

Kasama ni Punong Ministro Mishustin, nakahanda aniya siyang gawin ang mga makabagong ambag, upang payamanin ang ugnayang Sino-Ruso, at palakasin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio