Binatikos Lunes, Mayo 13, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang akusasyon ng Pilipinas hinggil sa umanong plano ng Tsina sa pagtatatag ng isang “artipisyal na isla” sa nakapaligid na rehiyon ng Xianbin Jiao.
Aniya, walang batayan at purong tsismis ang ganitong akusasyon.
Tinukoy ni Wang na maraming beses nang ikinalat kamakailan ng Pilipinas ang mga tsismis, upang sadyang siraan ang panig Tsino, at manlinlang sa komunidad ng daigdig.
Hinimok niya ang panig Pilipino na itigil ang pagpapalaganap ng mga iresponsableng pananalita, harapin ang katotohanan, at bumalik sa lalong madaling panahon sa tumpak na landas ng maayos na paghawak sa mga alitang may kinalaman sa dagat, sa pamamagitan ng talastasan at negosasyon.
Salin: Vera
Pulido: Ramil