Kaugnay ng hindi pagdalo ng rehiyong Taiwan sa ika-77 World Health Assembly (WHA), ipinahayag kahapon, Mayo 13, 2024 ni Chen Binhua, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho Estado ng Tsina sa mga suliranin ng Taiwan, na ang partisipasyon ng rehiyong Taiwan sa aktibidad ng World Health Organization (WHO) na gaya ng WHA ay dapat hawakan batay sa prinsipyong isang-Tsina, at ito ay pundamental na prinsipyo na itinakda ng resolusyon ng United Nations General Assembly (UNGA) bilang 2758 at resolusyon ng WHA bilang 25.1.
Sinabi niya na ang awtoridad ng Democratic Progressive Party (DPP) ay matigas ang ulo at nananatili sa separatistang posisyon ng “pagsasarili ng Taiwan,” ibig-saibhin, ang pampulitikang pundasyon ng rehiyon ng Taiwan ay hindi na umiiral.
Kaya ito ay nagdulot ng hindi pagdalo sa WHA, dagdag ni Chen.
Aniya, palagiang isinasaalang-alang ng Chinese mainland ang kapakanan at kalusugan ng mga kababayan sa rehiyong Taiwan at isinasagawa ang mahusay na pagsasaayos para sa pakikilahok ng rehiyong Taiwan sa pandaigdigang usaping pangkalusugan, na gaya ng paggarantiya ng kaayusan ng tsanel ng pagtanggap ng rehiyong Taiwan sa mga impormasyon at tulong hinggil sa pagharap sa mga pangyayari ng kalusugang pampubliko.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil