Tsina sa Amerika: itigil ang paglabag sa pulang linya ng Tsina sa isyu ng Taiwan

2024-05-07 15:31:47  CMG
Share with:

Kaugnay ng maling pananalita kamakailan ng Amerikanong opisyal tungkol sa Taiwan, hinimok Lunes, Mayo 6, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Amerikano na itigil ang paglabag sa basehan o baseline at pulang linya ng Tsina sa isyu ng Taiwan sa anumang pamamaraan.

 

Aniya, iniharap na ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa panig Amerikano.

 


Tinukoy ni Lin na ayon sa resolusyong bilang 2758 na pinagtibay sa Ika-26 Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) noong 1971, nilinaw na ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ay siyang tanging lehitimong pamahalaan na kumakatawan sa buong Tsina na kinabibilangan ng Taiwan sa UN; nilinaw na ang Taiwan ay hindi isang bansa, sa halip, ito ay bahagi ng teritoryo ng Tsina; at nilinaw din ang katayuan ng Taiwan bilang isang di-soberanong entidad.

 

Saad ni Lin, sapul nang pag-tibayin ang nasabing resolusyon, pawang sinusunod ng UN at mga espesyal na ahensya nito ang prinsipyong isang-Tsina sa isyu ng Taiwan, at ang “Taiwan, lalawigan ng Tsina” ay siyang tawag sa Taiwan sa mga opisyal na dokumento ng UN.

 

Ang pagsali ng Taiwan sa mga aktibidad ng mga organisasyong pandaigdig ay dapat umayon sa prinsipyong isang-Tsina, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil