Premyer Tsino, binigyang-diin ang wastong paggamit ng ultra-long special treasury bonds

2024-05-14 16:30:23  CMG
Share with:

Binigyan-diin Lunes, Mayo 13, 2024, ni Premyer Li Qiang ng Tsina, ang pangangailangan ng pagbibigay at wastong paggamit ng ultra-long special treasury bonds para suportahan ang pagpapatupad ng mahalagang pambansang estratehiya at pagtatatag ng kakayahan ng seguridad sa mga pangunahing lugar.

 


Sa isang video conference sa Beijing, sinabi ni Li na ang pagbibigay ng ultra-long special treasury bonds ay nakakatulong sa pagpapasulong ng modernisasyong Tsino at de-kalidad na pag-unlad, at pagsamsam ng inisyatiba sa pag-unlad.

  

Ipinanawagan niya ang mga pagsisikap para palakasin ang pamamahala ng proyekto at itatag ang ilang landmark project, gayundin ang pagtagumpayan ang malalim na ugat na mga hadlang sa pamamagitan ng mga reporma at inobatibang hakbangin.

 

Dagdag pa niya, dapat gamitin nang mabuti ng bansa ang parehong kumbensyonal at di-kumbensyonal na polisya, palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng piskal at mga instrumento sa pananalapi, at higit pang gabayan ang pagpasok ng mas yamang pinansyal sa real economy.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil