Bunga ng pagpawi sa kahirapan, dapat patatagin – premyer Tsino

2024-04-25 14:35:32  CMG
Share with:

Sa kanyang lakbay-suri sa lalawigang Guizhou, lalawigan sa gawing Timog ng Tsina, Abril 24, 2024, sinabi ni Premyer Li Qiang ng bansa, na dapat gamitin ang aktuwal na hakbangin para patatagin ang bunga ng pagpawi sa kahirapan.

 

Sa kanyang pagbisita sa isang komunidad sa lunsod Kaili, isang sonang industriyal sa Nayong Majiang, at isang paaralang bokasyonal sa Nayong Taijiang, hiniling ni Li sa mga pamahalaang lokal na isagawa ang mga hakbangin para mapigilan ang malawak na pagbalik sa kahirapan.

 

Diin niya, dapat galugarin ang bagong enerhiya ng paglaki ng kabuhayan sa mga kanayunan at hubugin ang mas maraming mahusay na manggagawa para sa merkado.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio