Noong 2015, isang modelong bapor ang ginawa ng 80 taong gulang na dating kapitan ng barko, na si Su Chengfen para gunitain ang kanyang mga abentura sa karagatan.
Si Su ay tubong bayan ng Tanmen, lalagiwang Hainan, at ang modelong bapor na kanyang ginawa ay yari sa di-nabulok na kahoy ng mga lumubog na bangka.
Aniya, ginawa niya ang modelo para ipakita sa mga tao kung paano sila naglakbay sa South China Sea sa “Panahon ng Layag,” kung kailan, wala pang makina ang mga sasakyang pandagat.
Noong 2021, si Su ay sumakabilang-buhay at ipinamana niya ang modelong bapor sa Hainan University.
Patnugot/Salin: Jade
Pulido: Rhio