Bilang tugon sa pananalitang kung walang dotted line, mas mapayapa ang South China Sea, sinabi ni Wu Shicun, Tagapagtagag ng National Institute for South China Sea Studies ng Tsina, na ang naturang linya ay nagtakda ng kaayusan sa South China Sea pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII).
Kung wala ang dotted line, magiging mas magulo ang situwasyon sa South China Sea, dagdag niya.
Ani Wu, pagkatapos ng WWII, ang Nansha Islands na minsan nang ilegal na sinakop ng Hapon ay naibalik sa Tsina, at noong 1948, inilabas ng Tsina ang Administration Map of the Republic of China at ang South Sea Islands Location Map.
Ang mga dash ay nagmamarka aniya ng soberanyang panterotoriyo at hurisdisksyong pandagat ng Tsina sa South China Sea.
Diin niya, walang pagtutol dito ang komunidad ng daigdig noong panahong iyon.
Patnugot/Salin: Jade
Pulido: Rhio