Mensaheng pambati, ipinadala ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang counterpart ng Solomon Islands

2024-05-15 16:11:49  CMG
Share with:

Isang mensaheng pambati ang ipinadala, Mayo 14, 2024 ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina kay Peter Shanel Agovaka, bagong Ministro ng mga Suliraning Panlabas at Kalakalang Panlabas ng Solomon Islands.

 

Saad ni Wang, nitong nakalipas na 5 taon, sapul nang itatag ang ugnayang diplomatiko ng dalawang bansa, walang humpay na lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, mabunga ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at naging komprehensibo’t estratehikong magkatuwang na may paggagalangan at komong kaunlaran sa makabagong panahon ang Tsina at Solomon Islands.

 

Ito ay mabisang nakapagpasulong ng biyaya ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at nakapagpalakas ng katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng rehiyon, aniya.

 

Diin ni Wang, pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Solomon Islands, at umaasa siyang ibayo pang lalalim ang diyalogo’t ugnayan, puspusan pang susulong ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, lalakas ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig, at bubuti ang bilateral na relasyon sa bagong bantas.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio