Pagpigil ng Amerika sa pag-unlad ng modernong industriya ng ibang bansa, kondenado ng Tsina

2024-05-15 14:55:52  CMG
Share with:

Kaugnay ng pananalita kamakailan ni Janet Yellen, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika na sobra ang kapasidad ng industriya ng bagong enerhiya ng Tsina, ipinahayag, Mayo 14, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinakikita ng pananalita ni Yellen ang pagpigil ng Amerika sa pag-unlad ng modernong industriya ng ibang bansa sa katuwiran ng sobrang kapasidad, at nagsasagawa ng proteksyonismong pangkalakalan sa katuwiran ng pantay na kompetisyon.

 

Saad niya, batay sa lohika ng Amerika, ang subsidiya nito sa mahahalagang pamumuhunan sa industriya ay nararapat, pero ang subsidiya ng ibang bansa ay di-pantay na kompetisyon; at ang pagluluwas nito ng produktong may komparatibong bentahe sa daigdig ay alinsunod sa malayang kalakalan, samantalang ang pagluluwas ng ibang bansa ng produktong may komparatibong bentahe ay sobrang kapasidad.

 

Batay sa isang kasabing Amerikano, “Do as I say, not as I do,” ani Wang.

 

Diin niya, ang mabilis na pag-unlad ng industriya ng bagong enerhiya ng Tsina ay bunga ng inobasyon sa teknolohiya, kompletong kadena ng suplay at industriya, at kompetisyon sa pamilihan, at hindi dahil sa subsidiya.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio