Tsina, patuloy na magbubukas sa labas

2024-05-14 15:51:15  CMG
Share with:

 

Ipinahayag kahapon, Mayo 13, 2024 ni Han Zheng, Pangalawang Pangulo ng Tsina, na patuloy na isasagawa ng Tsina ang de-kalidad na pagbubukas sa labas at ibabahagi ang kapakanan ng pag-unlad sa iba’t ibang panig.

 

Winika ito ni Han sa seremonya ng pagbubukas ng Global Trade and Investment Promotion Summit 2024 na idinaos sa Beijing.

 

Sinabi ni Han na sa kasalukuyan, kinakaharap ng buong daigdig ang maraming hamon, dapat pasulungin ng lahat ng bansa ang pagiging malaya at pagpapadali ng kalakalan at pamumuhunan, at pangalagaan ang katatagan ng pandaigdigang suplay at kadena ng industriya.

 

Nanawagan din siyang samantalahin ng mga bansa ang pagkakataon ng rebolusyon ng teknolohiya at industriya, palakasin ang inobasyon ng siyensiya’t teknolohiya, at pagyamanin ang paglago ng mga bagong enerhiya.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil