CMG Komentaryo: Tatlong katotohanan sa likod ng suporta ng Amerika at bigong pagsali ng Taiwan sa WHA

2024-05-15 16:07:45  CMG
Share with:

Ang Mayo 13, 2024 ay huling araw ng rehistrasyon sa paglahok sa Ika-77 World Health Assembly (WHA), subalit, tulad ng dati, bigo pa rin ang rehiyong Taiwan na sumali rito.

 

Ito na ang ika-8 beses na pagkabigo ng mga awtoridad ng Democratic Progressive Party (DPP) ng Taiwan sa pagsali sa WHA.

 

Matibay nitong ipinakikita, na ang prinsipyong isang-Tsina ay unibersal na palagay ng komunidad ng daigdig.

 

Tatlong katotohanan ang kailangang linawin sa isyung ito.

 

Una, kung walang pagsang-ayon mula sa sentral na pamahalaan ng Tsina, walang anumang identidad at karapatan ang rehiyon ng Taiwan sa paglahok sa WHA.

 

Ayon sa saligang simulain na nakalahad sa resolusyon bilang 2758 ng United Nations General Assembly (UNGA) at resolusyon bilang 25.1 ng WHA, ang pamahalaan ng Republika ng Bayan ng Tsina ang siyang tanging lehitimong pamahalaan na kumakatawan sa buong Tsina, at tinatamasa nito ang buong karapatan at soberanya sa sistema ng UN.

 

Ang Taiwan ay isang lalawigan ng Tsina, kaya ang paksa ng pagsali nito sa WHA ay dapat hawakan ayon sa prinsipyong isang-Tsina.

 

Sapul noong 2016, tinatanggihan ng awtoridad ng DPP ang pagkilala sa 1992 Consensus, bagay na nakakasira sa pundasyong pulitikal ng pagsali ng Taiwan sa WHA.

 

Ika-2, walang batayan ang di-umano’y, ang pagtanggi ng WHA sa paglahok ng Taiwan ay hahantong sa “puwang sa pandaigdigang sistema kontra epidemiya.”

 

Ginagawa ng sentral na pamahalaan ng Tsina ang maayos na areglo sa pagsali ng Taiwan sa mga pandaigdigang suliraning pangkalusugan.

 

Sa ilalim ng umiiral na balangkas ng WHA at magkabilang pampang ng Taiwan Strait, maalwan ang tsanel para sa multipleng paraan ng pagpapalitan at pagpapaalam kontra epidemiya ng Taiwan, kumpleto ang mekanismo nito, at may lubos na garantiya ang karapatang pangkalusugan ng mga kababayang Taiwanes.


At ika-3, tuluy-tuloy na sinuportahan ng Amerika nitong nakalipas na ilang taon ang paglahok ng Taiwan sa WHA, pero sa katunayan, ahedres lamang ng Amerika ang Taiwan.

 

Samantala, gaganapin ngayong taon ang halalang pampanguluhan ng Amerika, at para makakuha ng mas maraming boto, nilalaro ng ilang pulitikong Amerikano ang “Taiwan card,” upang idispley ang umano’y “matigas na patakaran laban sa Tsina.”

 

Sa kabilang banda, ginawang prontera ng digmaang pambatas ng Amerika laban sa prinsipyong isang-Tsina ang pagsuporta sa paglahok ng Taiwan sa WHA, at ang tunay na tangka nito’y guluhin ang “status quo sa Taiwan Strait at kaayusang pandaigdig,” at palaganapin ang makabagong kognitibong prontera ng labanan kontra sa Tsina.

 

Kahit anong manipulasyon ang gawin ng Amerika, at kahit anong pag-imbento ng opinyong publiko ang gawin ng DPP, imposible para sa rehiyon ng Taiwan na kunin ang admisyon sa WHA.

 

Ang nakakatawa at bigong pagsuporta ng Amerika sa paglahok ng Taiwan sa WHA ay nagpapatunay lamang na ang prinsipyong isang-Tsina ay mithiin ng mga mamamayan at agos ng panahon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio