Mensahe ng pakikidalamhati kaugnay ng kalamidad ng bagyo sa Libya, ipinadala ng pangulong Tsino

2023-09-13 10:49:00  CMG
Share with:

Isang mensahe ng pakikidalamhati ang ipinadala Martes, Setyembre 12, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Mohamed Menfi, Tagapangulo ng Konsehong Presidensyal ng Libya, kaugnay ng kalamidad ng bagyo sa Libya.

 

Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, inihayag ni Xi ang malalimang pakikidalamhati sa mga biktima at taos-pusong pakikiramay sa mga nasugatan at kamag-anakan ng mga nasawi.

 

Anang mensahe, nananalig siyang tiyak na pananaigan ng mga mamamayang Libyan ang kahirapan, at mapagtatagumpayan ang kalamidad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Lito