Op-ed: “Maginoong Kasunduan” at “Bagong Modelo,” nagpapakita ng atityud ng panig Tsino sa harap ng hidwaan

2024-05-16 11:15:18  CMG
Share with:

Isinapubliko kamakailan ng panig Tsino ang isang phone record sa pagitan ng diplomatang Tsino at opisyal ng panig militar ng Pilipinas tungkol sa napagkasunduan ng kapuwa panig sa “Bagong Modelo” sa paghahatid ng suplay sa Ren’ai Jiao.


Sa harap ng matibay na ebidensya, magkakasunod na pinabulaanan ng mga mataas na opisyal at opisyal ng panig militar ng Pilipinas ang pagkakaroon minsan ng Pilipinas at Tsina ng anumang kasunduang kinabibilangan ng “Maginoong Kasunduan” at “Bagong Modelo” tungkol sa nasabing isyu.

BRP Siera Madre sa Ren’ai Jiao

Higit na ipinahayag ng ilang opisyal na Pilipino na ang tangka ng panig Tsino sa pagsasapubliko ng nasabing phone record ay sirain ang relasyon sa pagitan ng mga departamento at mamamayang Pilipino at likhain ang kaguluhan.


Sa katotohanan, palagiang nagpupunyagi ang panig Tsino na kontrulin kasama ng panig Pilipino ang kanilang hidwaang pandagat na kinabibilangan ng isyu ng Ren’ai Jiao sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.


Layon nitong pangalagaan ang pangkalahatang kalagayan ng mapagkaibigang kooperasyong Sino-Pilipino.


Noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, nagkaroon ang Tsina at Pilipinas ng “Maginoong Kasunduan” upang hawakan ang situwasyon ng Ren’ai Jiao; noong unang dako ng kasalukuyang taon, sa paraang diplomatiko, narating din ng kapuwa panig ang “Bagong Modelo” tungkol sa paghahatid ng suplay sa Ren’ai Jiao.


Layon ng mga ito na itatag ang tiwala, hawakan at kontrulin ang situwasyon, pigilin ang sagupaan, at pangalagaan ang pangkalahatang katatagan sa South China Sea (SCS). Ipinahihiwatig ang responsibilidad ng panig Tsino sa harap ng kaukulang hidwaan.


Upang maayos na hawakan at kontrulin ang hidwaang pandagat ng kapuwa bansa, palagiang ipinakikita ng panig Tsino ang pinakamalaking katapatan at ginagawa ang pinakamalaking pagsisikap.


Ginanap Enero 17, 2024 ang ika-8 pulong ng BCM.

Sapul nang pormal na pasimulan ang China-Philippines Bilateral Consultation Mechanism (BCM) hinggil sa isyu ng SCS noong Mayo 19, 2017, 8 pulong ng BCM ang idinaos.


Sa panahong ito, ayon sa napagkasunduan ng Tsina at Pilipinas, nagkaroon ang kapuwa panig ng agaran at mabisang koordinasyon hinggil sa isyu ng Ren’ai Jiao, bagay na naiwasan ang ibayo pang kaguluhan at paglawak ng kaukulang alitan at napanatili ang pangkalahatang kapayapaan at katatagan sa SCS.


Bilang mabuting karagdagan ng BCM, napatingkad minsan ng “Maginoong Kasunduan” at “Bagong Modelo” ang positibong papel para kontrulin ang alitan, maproteksyunan ang matatag na situwasyon, at mapigilan ang sagupaan.


Sa panahon ng maalwang pagpapatupad ng “Maginoong Kasunduan,” mabisang nakontrol ng Tsina at Pilipinas ang mga hidwaan na hindi naapektuhan ang kanilang mapagkaibigang kooperasyon; makaraang marating ang “Bagong Modelo,” minsa’y maalwang isinagawa ng panig Pilipino ang isang resupply mission.


Ngunit pagkatapos nito, pinabulaanan ng opisyal na Pilipino ang pag-iiral ng modelong ito.

Bukod pa riyan, sa likod ng pagiging mas maigting na situwasyon sa SCS ay nakikita ang Amerika.


Ang panunulsol ng proxy war, pagtatayo ng baseng militar sa ibayong dagat, at pagtatatag ng alyansang militar ay mga pangunahing paraan ng Amerika upang mapanatili ang hegemonya sa daigdig.


Di kaukulang bansa ang Amerika sa isyu ng SCS, at hindi ito signataryong bansa ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).


Ngunit, paulit-ulit nitong ginagamit ang isyu ng SCS para siraan ang mapagkaibigang relasyong Sino-Pilipino at pukawin ang komprontasyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.


Napakalinaw ng masamang hangarin nito.


Napakasigla ng “Project Myoushu” na pinamumunuan ni Ray Powell, dating opisyal ng US Air Force, sa isyu ng SCS.


Ito ang tunay na pinakamalaking evil backstage manipulator sa pagpapaigting sa situwasyon ng SCS.


Sa pamamagitan ng pagpapalabas at pagkomento ng situwasyon sa SCS, puspusang pinupukaw ng proyektong ito ang maigting na situwasyon sa karagatang ito, sinisiraan ang puri ng lehitimong aksyon ng Tsina sa SCS, pinapasidhi ang ostilong damdamin ng mga mamamayang Pilipino sa Tsina, at napipinsala ang pagkakaibigang Sino-Pilipino na tumatagal ng mahigit 1 libong taon.


Di makakatayo ang isang tao kung walang mabuting pangalan, at di rin makakaahon ang isang bansa kung walang reputasyon.


Sa mula’t mula pa’y iginigiit ng Tsina ang patakarang panlabas ng mapayapang pakikipamuhayan sa mga kapitbansa.


Bilang mapagkaibigang kapitbansa ng isa’t-isa, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, itinaas ang posisyon ng bilateral na relsyon ng kapuwa bansa, mula sa “relasyong pangkooperasyong may pagtitiwalaan tungo sa ika-21 siglo” hanggang sa “estratehikong relasyong pangkoopersyon tungo sa kapayapaan at kaunlaran” at hanggang sa “komprehensibo’t estratehikong relasyong pangkooperasyon.”


Ito ay dahil sa paggigiit ng kapuwa bansa ng matapat, kapani-paniwala, pantay, at pragmatikong patakarang panlabas.


Noong administrasyon ni Duterte, dahil sa malalim na pag-uugnayan ng “Belt and Road” Initiative ng Tsina at “Build, Build, Build” ng Pilipinas, natamo ang kapansin-pansing bunga na nagdala ng aktuwal na benepisyo sa mga larangan ng Pilipins na gaya ng pagdaragdag ng trabaho, pagpapasigla ng kabuhayan, at pagpapasulong ng konstruksyon ng imprastruktura.


Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag ni Herman Laurel, bantog na broadcast journalist ng Pilipinas, na kasalukuyang nahaharap ang Pilipinas sa problemang ekonomiko, at palagiang tinutulungan ng Tsina ang Pilipinas sa pagkahulagpos sa krisis na ekonomiko.


Kaugnay ng nagawang pangako ng Amerika na mamuhunan sa Pilipinas, ipinahayag ni Laurel na nitong 20 taong nakalipas, hindi pa natupad ang pangakong ito.


Kung babalikan ang kasaysayan, maraming beses na ipinahamak ng Amerika ang alyansa nito.


Sinabi minsan ni Henry Kissinger, dating Kalihim ng Estado ng Amerika, na nakamamatay ang pagiging alyansa ng Amerika.


Hindi malayo ang pagkaganap ng insidente ng Saigon at Kabul, at kailangang mabilis na gumising ang ilang politikong Pilipino.


May-akda / Salin: Lito

Pulido: Ramil