Kaugnay ng pahayag kamakailan ng Departamento ng Tanggulang Bansa ng Pilipinas na walang lumahok sa “Maginoong Kasunduan” ng Tsina at pahayag ng Departmento ng mga Suliraning Panlabas ng Pilipinas na hindi sumang-ayon ang lahat ng mga miyembro ng pamahalaang Pilipino sa mga mungkahi ng Tsina hinggil sa Ren’ai Jiao, ipinahayag ngayong araw, Mayo 17, 2024 ni Zhang Xiaogang, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na maraming beses ng inilahad ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mga saligang katotohanan hinggil sa paghawak at pagkontrol ng Tsina at Pilipinas sa kalagayan ng Ren’ai Jiao at isinapubliko ng Embahadang Tsino sa Pilipinas ang mga may kinalamang nialalaman hinggil sa pag-uugnayan ng dalawang bansa sa isyung ito.
Idiniin ni Zhang na malinaw ang timeline at matibay ang mga katotohanan hinggil dito.
Tinukoy ni Zhang na ang “Maginoong Kasunduan” at ‘”Bagong Modelo” hinggil sa isyu ng Ren’ai Jiao ay makakabuti sa paghawak at pagkontrol sa alitan, pagpigil ng sagupaan at pagtatatag ng pagtitiwalaan para pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyong pandagat na may kinalaman dito.
Hinimok ni Zhang ang panig Pilipino na sundin ang pundamental na prinsipyo ng pagpapalagayan sa daigdig, itigil ang paggawa ng pekeng impormasyon at pabarumbadong panggulo.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil
Tsina, hinimok ang Pilipinas na itigil ang mga probokasyon sa South China Sea
Xi Jinping, nagpadala ng mensaheng pambati sa ika-8 China-Russia Expo
Q&A sa SCS: Sino ang nasa likod ng insidente ng Ren’ai Jiao ng South China Sea?
China slams accusations about building 'artificial island' near Xianbin Jiao