Sinabi kamakailan ng Pangulo ng Pilipinas na walang intensyon ang Pilipinas na palalain ang masidhing kalagayan sa South China Sea (SCS). Gayunpaman, iniulat ng ilang media na ang “Balikatan 2024” joint exercises ngayon taon sa pagitan ng Amerika at Pilipinas ay nagpakita ng isang modelo ng aircraft carrier na mukhang kahina-hinala tulad ng "Liaoning," sa ibabaw ng mesang buhangin.
Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 17, 2024, ni Zhang Xiaogang, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina na ang mga kaugnay na pananalita ng Pilipinas ay magkasalungat.
Aniya, hindi nais ng hukbong Tsino na gumawa ng kaguluan, pero kung magkaroon man ng gulo, hindi ito maiiwasan.
Hinimok ng Tsina ang Pilipinas na itigil ang lahat ng paglabag at probokasyon at patuloy na isasagawa ng Tsina ang matatag na hakbangin para mapangalagaan ang soberanya ng teritoryo at karapatan, interes sa karagatan, at mapanatili ang kapayapaan at katatagan ng SCS.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil