Xi Jinping, nagpadala ng mensaheng pambati sa ika-8 China-Russia Expo

2024-05-17 15:14:57  CMG
Share with:

Nagpadala ngayong araw, Mayo 17, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensaheng pambati sa ika-8 China-Russia Expo.


Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na ang taong 2024 ay ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa at sa hinaharap, magkakaroon ang relasyon ng dalawang bansa ng mas malaking prospek ng kaunlaran.


Idiniin ni Xi na ang ekspong ito ay naging mahalagang plataporma para sa kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan at kalakalan.


Umaasa aniya siyang lubos na sasamantalahin ng iba’t ibang sektor ng dalawang bansa ang ekspong ito para magkasamang pasulungin ang kooperasyon ng dalawang basna na may mutuwal na kapakinabangan.


Ang tema ng ika-8 China-Russia Expo ay kooperasyon, pagtitiwalaan at pagkakataon at binuksan ito sa parehong araw sa Harbin ng lalawigang Heilongjiang ng Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil