Tsina, inilunsad ang anti-dumping probe sa kemikal mula sa EU, Amerika, Taiwan region, at Hapon

2024-05-19 15:59:43  CMG
Share with:

Ipinatalastas ngayong araw, Mayo 19, 2024, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang pagsasagawa ng anti-dumping probe sa POM copolymer na inangkat mula sa European Union, Amerika, Taiwan region, at Hapon.

 

Anang ministri, ito ay batay sa kahilingang iniharap ng ilang bahay-kalakal sa ngalan ng industriya ng POM copolymer ng Chinese mainland, at ang imbestigasyon ay sumasaklaw sa buong taong 2023.

 

Maaaring bahagyang palitan ng POM copolymer ang mga metal na tulad ng tanso at zinc, sa maraming paraan ng paggamit na kinabibilangan ng piyesa ng sasakyan, elektroniko, kagamitang medikal, at materyales na pangkonstruksyon.


Editor: Liu Kai