Ministro ng Seguridad na Pampubliko ng Vietnam, ninominahan bilang pangulo ng estado

2024-05-19 15:58:40  CMG
Share with:

Ayon sa ulat kahapon, Mayo 18, 2024, ng Vietnam News Agency, ninominahan ng Communist Party of Vietnam (CPV) si Ministro To Lam ng Seguridad na Pampubliko bilang pangulo ng estado.

 

Ninominahan naman ng CPV si Tran Thanh Man, Permanenteng Pangalawang Tagapangulo ng Pambansang Asembleya ng Vietnam, bilang Tagapangulo ng organong ito.

 

Pagbobotohan ng Pambansang Asembleya ng Vietnam, lehislatura ng bansa, ang mga nominasyong ito sa susunod nitong sesyon na bubuksan sa darating na Lunes.


Editor: Liu Kai