Mga kompanyang Amerikano, inilista ng Tsina sa unreliable entities

2024-05-20 14:59:48  CMG
Share with:

Inilista Lunes, Mayo 20, 2024 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina ang ilang kompanya ng Amerika sa Unreliable Entity List, dahil sa kanilang ugnayan sa pagbebenta ng armas sa rehiyon ng Taiwan ng Tsina.

 

Ayon sa nasabing ministri, kabilang sa mga kompanyang ito ay General Atomics Aeronautical Systems at General Dynamics Land Systems.

 

Layon ng aksyon ng panig Tsino na ipagtanggol ang pambansang soberanya, seguridad at kapakanang pangkaunlaran, dagdag ng ministri.

 

Samantala inanunsyo rin Linggo, Mayo 19, ng nasabing ministri ang paglulunsad ng isang anti-dumping probe sa POM copolymer na inangkat mula sa Unyong Europeo (EU), Amerika, rehiyon ng Taiwan, at Hapon, mula Enero 1 hanggang Disyembre 31 ng 2023.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio