CMG Komentaryo: Dagdag taripa ng Amerika sa mga produktong Tsino, makakapinsala sa sariling kapakanan

2024-05-16 15:21:43  CMG
Share with:

Ipinatalastas Mayo 14, 2024 ng pamahalaang Amerikano ang pagdaragdag ng taripa sa mga produktong inaangkat mula sa Tsina, lalo na ng mga produktong may kinalaman sa industriya ng bagong enerhiya.


Ito ay nagpapakitang patuloy na isinasapulitika ng Amerika ang mga isyu ng kabuhayan at kalakalan.

 

Ngunit, hindi nito pasusulungin ang pag-unlad ng bagong enerhiya ng Amerika.

 

Sa kasalukuyan, mabagal ang pag-unlad ng industriya ng bagong enerhiya ng Amerika dahil nagmula ito sa mataas na gastusin ng pagpoprodyus, kakulangan sa mga imprastruktura, at iba pa.

 

Ang naturang mga sanhi ay walang kinalaman sa taripa at produktong Tsino.

 

Ibig-sabihin, ang pagdaragdag ng Amerika ng taripa sa produktong Tsino ay nagsisilbing hakbangin ng trade protectionism.

 

Samantala, lumalapit na ang panahon ng halalang pampanguluhan ng Amerika. Kaya kailangan ng pamahalaan ni Joe Biden ang panghihikayat ng mga rehistradong botante sa pamamagitan ng paggamit ng matigas na patakarang pangkabuhayan sa Tsina.

 

Pero, pinapatunayan ng mga katotohanan na ang pagdaragdag ng taripa ng Amerika sa mga produktong Tsino ay makakapinsala sa kapakanan ng mga normal na mamimiling Amerikano sa bandang huli.

 

Ayon sa pagtaya ng Moody's, ang pagdaragdag ng Amerika ng taripa sa mga produktong Tsino nitong ilang taong nakalipas ay nagbunga ng karagdagang $1300 Dolyares sa bawat pamiliyang Amerikano ng kanilang gastusin sa pamumuhay bawat taon.

 

Kaya ang pagdaragdag ng Amerika ng taripa sa mga produktong Tsino na may kinalaman sa bagong enerhiya ay magpapalaki ng pasanin ng mga mamimiling Amerikano sa de-kuryenteng sasakyan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil