Panig militar ng Tsina, tutol sa pagdedeploy ng Amerika ng intermediate-range missile sa Pilipinas

2024-05-17 18:15:48  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagdedeploy sa Pilipinas ng Amerika ng Typhon system na maaring maglunsad ng intermediate-range missile, ipinahayag ngayong araw, Mayo 17, 2024 ni Zhang Xiaogang, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang pagdedeploy ng Amerika ng intermediate-range missile sa Pilipinas ay makakapinsala sa estratehikong seguridad ng Tsina, banta sa pambansang seguridad ng rehiyong ito at makakapinsala sa katatagan at kapayapaan ng rehiyon.


Ani Zhang, inihayag nang maraming beses ng panig Tsino ang solemnang paninindigan sa pagtutol dito.


Hinimok niya ang panig Amerikano na tamang pakitunguhan ang pagkabahala ng mga bansa sa rehiyong ito para sa pambasang seguridad, at itigil ang mga mapanganib na aksyong nagpapasidhi ng tensyon.


Dagdag pa niya na gagamitin ng panig Tsino ang mga katugong hakbangin para pangalagaan ang sariling interes sa seguridad.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil