Saklolo, handang ipagkaloob ng Tsina sa Iran

2024-05-20 13:29:08  CMG
Share with:

Kaugnay ng "hard landing" ng helikopter na sinasakyan ni Pangulong Ebrahim Raisi ng Iran, ipinahayag ngayong araw, May 20, 2024 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ito ay ikinababahala ng panig Tsino.

 

Nakahanda aniyang ipagkaloob ng Tsina ang mga kinakailangang tulong at suporta sa gawaing panaklolo para rito.

 

Ayon sa media ng Iran, naganap ang insidente, Mayo 19 sa dakong hilagang kanluran ng Iran.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio