Tsina sa Pilipinas: Pagmunihan ang mga sariling gawain sa Zhongye Dao

2024-05-21 11:07:24  CMG
Share with:

Kaugnay ng alegasyon ng panig Pilipino sa Tsina bilang siyang tanging pinaghihinalaang lumikha ng malubhang pagkasira sa malaking bolyum ng mga coral reef sa paligid ng Zhongye Dao, sinabi Mayo 20, 2024, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bilang teritoryo kung saan may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Qundao, ang Zhongye Dao ay iligal na sinasakop ng Pilipinas, at madalas na isinasagawa ng Pilipinas ang mga aktibidad sa karagatan ng Zhongye Dao.

 

Aniya, kung may pagkasira sa kapaligiran sa karagatang ito, kailangang pagmunihan ng Pilipinas ang mga sariling gawain nito, sa halip na maling akusahan ang Tsina.

 

Sinabi naman ni Wang, na ang paggawa at pagpapairal ng China Coast Guard ng bagong regulasyon tungkol sa mga prosidyur ng administratibong pagpapatupad ng batas ay para i-standardize ang mga may kinalamang gawain ng mga ahensiya ng coast guard, at mas mabuting panatilihin ang kaayusan sa dagat. Ito aniya ay angkop sa pandaigdigang norma.

 

Hindi kailangang mag-alala ang mga indibiduwal at grupo, hangga't wala silang ginagawang anumang bagay na ipinagbabawal, dagdag niya.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos