Ipinaabot kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati sa panunungkulan ni Gordana Siljanovska-Davkova bilang pangulo ng Hilagang Masedonya.
Tinukoy ni Xi na malalim ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Hilagang Masedonya.
Aniya, nitong nakalipas na ilang taon, matibay na sumulong ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa, bagay na naghatid ng benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Lubos aniya niyang pinahahalagahan ang pag-unlad ng relasyon sa Hilagang Masedonya, at nakahandang magsikap, kasama ng kanyang North Macedonian counterpart, upang palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, palawakin ang pagpapalitan at pagtutulungan, at pasulungin ang mapagkaibigang relasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa sa makabagong antas.
Salin: Vera
Pulido: Ramil
Mensahe ng pakikiramay, ipinadala ni Pangulong Xi sa unang bise pangulo ng Iran
Pagpapasulong ng modernong sistemang panturista, ipinagdiinan ng pangulong Tsino
Xi Jinping, nagpadala ng mensaheng pambati sa ika-8 China-Russia Expo
Xi Jinping at Vladimir Putin, tinalakay ang krisis ng Ukraine
Mensaheng pambati, ipinadala ng pangulong Tsino sa ika-33 Ika-33 Arab League Summit