Mensaheng pambati, inihayag ni Xi Jinping para sa bagong pangulo ng Biyetnam

2024-05-23 11:01:45  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati, Mayo 22, 2024 kay To Lam kaugnay ng kanyang panunungkulan bilang pangulo ng Biyetnam, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang Tsina at Biyetnam ay mainam na sosyalistang magkapitbansa.

 

Ani Xi, ikinagagalak niya ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at kasama ni Pangulong To Lam, nakahanda siyang patuloy na magsikap para panatilihin ang estratehikong pag-uugnayan, at idulot ang mas maraming benepisyo sa mga Tsino at Biyetnames.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio