Pilipinas, hinimok ng Tsina na sundin ang tadhana ng DOC

2024-05-23 11:18:30  CMG
Share with:

Ipinahayag, Mayo 22, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na malinaw ang timeline ng ”maginoong kasunduan,” panloob na pagkakaunawaan, at “bagong modelo” ng pangangasiwa at pagkontrol sa kalagayan ng South China Sea (SCS).

 

Matibay aniya ang katotohanan hinggil dito.

 

Saad ni Wang, ipinakikita ng pagkakasibak sa puwesto ng kasangkot na opisyal-militar ng Pilipinas, na narating minsan ang komong palagay hinggil sa paghawak at pagkontrol sa kalagayan ng Ren’ai Jiao.

 

Ang pagtanggi at paglabag ng Pilipinas sa mga pangako nito ay probokasyon at panghihimasok sa isyu ng Ren’ai Jiao, aniya pa.

 

Muling hinimok ni Wang ang panig Pilipino na sundin ang mga narating na kasunduan at pagkakaunawaan ng dalawang bansa, at tadhana ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), igalang ang komong hangarin ng mga bansa ng rehiyon sa pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng SCS, at itakwil ang pagpapaigting ng tensyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio