Kahalagahan ng pag-ani ng pagkaing-butil sa tag-init, idiniin ng Premyer Tsino

2024-05-24 16:06:47  CMG
Share with:

Sa kanyang paglalakbay-suri sa lalawigang Henan sa dakong gitna ng Tsina mula Mayo 22 hanggang 23, nanawagan si Premyer Li Qiang para sa buong sikap na paggarantiya ng masaganang pag-ani ng pagkaing-butil sa tag-init at pasulungin ang inobatibong pag-unlad ng agrikultura.


Tinukoy ni Li na dapat patingkarin ng namumunong papel ang mga masusing bahay-kalakal, at pasulungin ang koordinadong pag-unlad ng buong kadena ng industriya para sa pag-unlad ng industriya ng natatanging pagkain.


Saad pa niya na ang pagpapalalim ng reporma sa mekanismo ng agham at teknolohiya ay mahalagang hakbangin para isakatuparan ang nagsasariling pagpapaunlad at pagpapalakas ng agham at teknolohiya.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil