Premyer Tsino, nagpadala ng mensaheng pambati sa bagong PM ng Singapore

2024-05-16 14:58:04  CMG
Share with:

Nagpadala kahapon, Mayo 15, 2024 si Premyer Li Qiang ng Tsina ng mensaheng pambati kay Lawrence Wong bilang bagong Punong Ministro ng Singapore.

 

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Li na ang Tsina at Singapore ay mabuting kapitbansa at mahalagang partner ng kooperasyon.

 

Ani Li, lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Kasama ni Wong, nakahanda aniyang siyang panatilihin ang mahigpit na pag-uugnayan at kooperasyon, at pasulungin ang de-kalidad na kooperasyon ng dalawang bansa para magdulot ng mas maraming kapakanan sa mga mamamayan ng dalawang bansa at magbigay ng mas malaking ambag para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil