(Video) Makabagong teknolohiya, makikita sa China (Hangzhou) Artificial Intelligence Town

2024-05-24 17:26:45  CMG
Share with:


Sa China (Hangzhou) Artificial Intelligence Town sa Hangzhou Future Tech City, lunsod Hangzhou, lalawigang Zhejiang, gawing silangan ng Tsina, makikita ang iba’t ibang makabagong teknolohiya na gaya ng intelehenteng robot, intelihenteng antipara o salamin sa mata na gumagana sa pamamagitan ng augmented reality (AR), 3D scanner na may mataas na katiyakan, at iba pa.

 

Tampok dito ang pagdedebelop ng Artificial Intelligence (AI) at ang China (Hangzhou) Artificial Intelligence Town ay nakaakit ng 20 high-end na institusyon ng pananaliksik at pagdedebelop, mahigit 1200 proyektong pang-inobasyon, at halos 12700 innovative person at entrepreneurial.

 

Mahigit sa 90 kumpanyang matatagpuan dito ang matagumpay na nakakuha ng pamumuhunan mula sa merkado. Mahigit 85 bilyong yuan RMB o 11.7 bilyong dolyares USD ang kabuuang halaga ng mga kumpanya rito.



Salin: Kulas

Pulido: Ramil