(Video) Intelehenteng artipisyal na braso, tulong sa may kapansanan

2024-05-20 17:29:48  CMG
Share with:


Ayon sa China Disabled Persons' Federation (CDPF), lampas na sa 85 milyon ang mga may kapansanan sa Tsina.

 

Kaugnay nito, hindi tumitigil ang Tsina sa pagpapabuti ng serbisyo ng rehabilitasyon at aktibidad pampalakasan ng mga may kapansanan.

 

Ang BrainCo sa Hangzhou Future Tech City, lunsod Hangzhou, lalawigang Zhejiang, gawing silangan ng Tsina, ay isa sa mga nangungunang kompanya ng brain-computer interface (BCI) sa bansa.

 

Sa tulong ng BCI, kinokolekta ng mga artipisyal na braso ang electroneurographic signal ng taong gumagamit, para makontrol ang mga intelehenteng braso at darili.

 

Natutulungan nito ang mga may kapansanan na gawin ang mga normal na aktibidad sa araw-araw at maghanap-buhay.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio