Tsina, hinding hindi pahihintulutan ang pagkakaloob ng anumang puwersang payong para sa “pagsasarili ng Taiwan”

2024-05-25 10:29:55  CMG
Share with:

Kaugnay ng pananalita kamakailan ng panig Amerikano tungkol sa isyu ng Taiwan, ipinahayag Mayo 24, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Taiwan ay nabibilang sa Tsina, at walang anumang posisyon ang Amerika sa pagsasabi ng anu-ano tungkol dito.


Sinabi niya na kung talagang nais pangalagaan ng Amerika ang kapayapaan at katatagan sa Taiwan Strait, dapat nitong malinaw na igiit ang prinsipyong isang-Tsina at tutulan ang separatistang aktibidad ng puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan.”


Hinding hindi pahihintulutan ng panig Tsino ang pagkakaloob ng anumang puwersang payong sa mga separatistang aktibidad ng “pagsasarili ng Taiwan,” diin pa niya.


Salin: Lito

Pulido: Ramil