Pagsasanay sa silangang rehiyong pandagat ng Taiwan Island, isinagawa ng CCG

2024-05-24 15:24:08  CMG
Share with:

Isinagawa Biyernes, Mayo 24, 2024 ng isang coast guard fleet ng Tsina ang pagsasanay sa pagpapatupad ng batas sa silangang rehiyong pandagat ng Taiwan Island.

 


Sinabi ni Gan Yu, Tagapagsalita ng China Coast Guard (CCG) na nakatutok ang nasabing pagsasanay sa beripikasyon, pagkakakilanlan, pagbabala at pagpapaalis, upang subukan ang kakayahan sa magkasanib na pagpapatrolyang pandagat at paghawak sa mga pangkagipitang pangyayari.

 


Salin: Vera

 

Pulido: Ramil