Ensayong militar ng Chinese mainland, mahigpit na parusa sa aksyon ng “pagsasarili ng Taiwan”

2024-05-24 12:57:33  CMG
Share with:

Sinabi kahapon, Mayo 23, 2024 ni Chen Binhua, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga suliranin ng Taiwan, na ang pagsasagawa ng magkasanib na ensasyong militar ng hukbong Tsino na may code name na “Joint Sword-2024A” sa paligid ng Taiwan ay isang mahigpit na parusa sa bagong lider ng rehiyong Taiwan para sa probakasyon niyang ginawa sa pamamagitan ng mga aksyon ng “pagsasarili ng Taiwan,” at matinding babala para sa pakikialam ng dayuhang puwersa sa suliraning panloob ng Tsina at lehitimong aksyon sa pangangalaga sa kabuuan ng soberanya at teritoryo ng bansa.


Tinukoy ni Chen na kung buong tigas na igigiit ng separatistang puwersa ng “pagsasarili ng Taiwan” ang paninindigan at aksyon nito, matatag na gagamitin ng Chinese mainland ang aksyon para pangalagaan ang kabuuan ng soberanya at teritoryo ng bansa.


Ipinahayag ni Chen na ang reunipikasyon ng Tsina ay agos ng kasaysayan at ang mga hakbangin nito ay nakatugon lamang sa mga separatistang aksyon ng “pagsasarili ng Taiwan” at pakikialam ng mga dayuhang puwersa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil