Prinsipyong isang-Tsina, nilinaw ng mga eksperto mula sa Chinese mainland at rehiyong Taiwan

2024-05-26 16:46:48  CMG
Share with:


Isinagawa ng dalawang eksperto mula sa Chinese mainland at rehiyong Taiwan ng Tsina, Mayo 25, 2024, sa Xiamen University, lalawigang Fujian, dakong timog silangan ng Tsina, ang diyalogo tungkol sa prinsipyong isang-Tsina batay sa konteksto ng Cairo Declaration.

 

Sinariwa ni Chi Chia-lin, puno ng Reunification Alliance Party sa Taiwan, ang pangkasaysayang konteksto ng serye ng mga dokumento at anunsyo na kinabibilangan ng Cairo Declaration at Potsdam Proclamation.

 

Sa pamamagitan ng pagsipi at pagpapaliwanag sa orihinal na teksto, sinabi niyang, nilinaw ng mga dokumentong ito, mula sa puntong pambatas ang pagiging iligal ng pananakop ng Hapon sa Taiwan, at kinumpirma, na ang Taiwan ay teritoryo ng Tsina.

 

Binalik-tanaw naman ni Zhang Haipeng, miyembro ng Chinese Academy of Social Sciences (CASS), ang kasaysayan ng pag-aproba sa United Nations General Assembly Resolution 2758 at binanggit ang kahalagahan nito.

 

Ani Zhang, nilinaw ng resolusyon na iisa lamang ang Tsina sa mundo, at ang Taiwan ay bahagi ng Tsina, hindi isang bansa.

 

Buong linaw aniyang nakalakip sa resolusyon ang prinsipyong ang gobyerno ng People's Republic of China ay siyang tanging lehitimong kinatawan ng Tsina sa United Nations, at walang "dalawang Tsina" o "isang Tsina, isang Taiwan."


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan