Mula Mayo 23 hanggang 24, 2024 isinasagawa ng Eastern Theater Command ng People’s Liberation Army (PLA) ng Tsina, na kinabibilangan ng hukbong panlupa, pandagat at panghimpapawid at rocket force ang magkasanib na ensasyong militar na may code name na “Joint Sword-2024A” sa paligid ng Taiwan.
Nakapokus ang nasabing pagsasanay sa joint sea-air combat-readiness patrol, magkasanib na pagkuha ng comprehensive battlefield control, at joint precision strike sa masususing target.
Sinasanay din nila ang mga kakayahan sa pamamatrolya ng mga bapor-pandigma at eroplano sa nakapaligid na rehiyon ng Taiwan, at integradong operasyon sa loob at labas ng island chain, upang subukin ang kakayahan ng mga elemento ng theater command sa joint real combat.
Ito ay makatarungang aksyon ng Tsina sa pagtatanggol ng sariling soberanya at kabuuan ng teritoryo, at nagsisilbi rin bilang mabigat na kaparusahan sa mga mapangwatak na aksyon ng mga puwersa ng “pagsasarili ng Taiwan,” at babala sa pakikialam at probokasyon ng puwersang panlabas.
Bilang isang pragmatikong trabahador sa “pagsasarili ng Taiwan,” ang talumpati ni Lai Ching-te, bagong lider ng rehiyon ng Taiwan, noong Mayo 20 ay malubhang lumabag sa prinsipyong isang-Tsina, at grabeng nakasira sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Strait.
Makatuwiran, lehitimo at kinakailangan ang pagganti ng Chinese mainland sa anumang anggulo.
Ang Taiwan ay nabibilang sa Tsina, at ang mga kababayan ng magkabilang pampang ay nabibilang sa Nasyong Tsino.
Ang Taiwan ay pinakanukleong kapakanan ng Tsina, at komong hangarin ng mga kababayan ng magkabilang pampang ang kapayapaan, kaunlaran, pagpapalitan at pagtutulungan.
Ang nasabing ensayong military ay babala sa awtoridad ng Democratic Progressive Party (DPP) at puwersang panlabas na itigil kaagad ang mapanganib na aksyon ng naghahangad ng “pagsasarili ng Taiwan.”
Kung hindi nila ititigil ang kanilang mga aksyon, tiyak silang bibigyan ng mariing ganti at kaparusahan.
Ang matibay na determinasyon, matatag na mithiin at malakas na kakayahan ng mga kababayan ng magkabilang pampang sa pagtatanggol ng soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa ay hindi dapat maliitin ng sinuman.
Salin: Vera
Pulido: Rhio