Xi Jinping, nagpadala ng mensahe kay Bob Dadae bilang pakikiramay sa kalamidad ng landslide sa Papua New Guinea

2024-05-28 14:31:04  CMG
Share with:

Isang mensahe ng pakikiramay ang ipinadala Mayo 26, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Bob Dadae, Governor General ng Papua New Guinea, tungkol sa kalamidad ng landslide na naganap Mayo 24, sa lalawigang Enga ng bansang ito.

 

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Xi ang pakikidalamhati sa mga nasawi sa kalamidad at taos-pusong pakikiramay sa mga nasugatan at kamag-anak ng mga biktima.

 

Ani Xi, nakahanda ang panig Tsino na ipagkaloob hangga’t makakaya, ang tulong sa bansang ito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil