Ikalawang round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika sa suliraning pandagat, idinaos

2024-05-28 14:29:09  CMG
Share with:

Idinaos kamakailan via video link ang ikalawang round ng pagsasanggunian ng Tsina at Amerika hinggil sa mga suliraning pandagat.

 

Sumang-ayon ang dalawang panig na panatilihin ang diyalogo at pag-uugnayan, pag-iwas sa di pagkakaunawaan at maling konklusyon, at paghawak at pagkontrol sa mga bantang pandagat.

 

Inihayag ng panig Tsino ang solemnang pagkabahala sa mga probokasyon at panghihimasok ng panig Amerikano sa karagatan sa paligid ng Tsina.

 

Hinimok ng panig Tsino ang Amerika na aktuwal na igalang ang soberanya, teritoryo at karapatan at kapakanang pandagat ng Tsina at hindi makisangkot sa mga hidwaang pandagat sa pagitan ng Tsina at karatig na bansa.

 

Bukod dito, idiniin ng panig Tsino na dapat agarang itigil ng panig Amerikano ang pakikipagsabwatan at pagsuporta sa puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan.”


Salin: Ernest

Pulido: Ramil