CMG Komentaryo: Amerika, may dalawang mukha sa isyu ng Taiwan

2024-05-22 14:34:17  CMG
Share with:

Sa seremonya ng inagurasyon ni Lai Ching-te bilang puno ng awtoridad ng Taiwan ng Tsina, Mayo 20, 2024, ipinahayag niyang ang Taiwan at Chinese mainland ay hindi magkabalikat.


Ipinakikita nito ang kanyang hangarin sa “pagsasarili ang Taiwan.”


Ipinadala naman ni Kalihim Antony Blinken ng Estado ng Amerika ang mensaheng pambati para kay Lai at lumahok ang ilang opisiyal-Amerikano sa seremonya ng inagurasyon.

Ang Taiwan ay bahagi ng Tsina, at ang halalan ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina.


Noong Nobyembre 2023 at nagdaang Abril ng taong ito, paulit-ulit na sinabi ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang paggigiit sa patakarang isang-Tsina at hindi pagsuporta sa pagsasarili ng Taiwan.


Pero, ang nabanggit na aksyon ni Blinken ay labag, hindi lamang sa prinsiyong isang-Tsina at tadhana ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, kundi taliwas din sa mga pangako ng pamahalaang Amerikano sa isyu ng Taiwan.


Maliwanag na may dalawang mukha ang Amerika sa isyung ito.


Sa katotohanan, ginagamit nito ang isyu ng Taiwan ay para sa sariling interes, at hindi para sa ikabubuti ng Taiwan.


Ibinebenta nito mga sandata sa Taiwan ng Tsina, pero kasabay nito, sapilitan ding inililipat ng Amerika ang mga nukleong bahay-kalakal ng Taiwan sa sariling teritoryo na gaya ng TSMC.


Sa kasalukuyan, 183 bansa sa daigdig ang may relasyong diplomatiko sa Tsina, at ipinakikita nitong ang prinsipyong isang-Tsina ay malawak na tinatanggap ng komunidad ng daigdig at agos ng panahon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio